Isang makakalikasang umaga po sa ating lahat. At marami pong salamat to the team of maám Julie at kay Usec Mitch, sa selebrasyon pong ito.
Magandang umaga, po sa ating lahat muli. Ako po ay nahihirapan din na magsalita ng diretsong Filipino pero pagsisikapan ko po this morning. Sa mga opisyal at kawani ng Komisyon ng Wikang Filipino na pinamumunuan ni Ginoong Arthur Casanova na kinakatawan ni Dir. Heneral Capistranan (*) at sa ating mga kasama ditto sa Kagawaran ng Kapaligiran at Likas Yaman, maraming salamat po sa inyong pagdalo, sa pagpapasinaya ng eksibit natin ngayon.
Magandang umaga din po sa pangalawang kalihim, ASec, Direktor, at mga panauhin din natin mula sa KWF. Of course ang tagapamuno Arthur Casanova, Maám Miriam, Maám Pinky Delmatay, at si maám Minda Limbo.
Tayo ay nakikiisa po sa pagdiriwang ng Agosto bilang Buwan ng Wika. Ang Wika ang sagisag ng pambansang pagkakakilanlan at sa pinatatag nito an gating pagkakaisa bilang mamamayang Pilipino.
Filipino ang nagbibigay linaw at kahulugan sa iba’t-ibang palagay at paniniwala. Pinanhihintulutan nito ang higit na malawak na pakikilahok n gating kapwa Pilipino sa iba’t-ibang larangan ng lipunan. Kaya naman ang kagawaran natin ay nagpupunyaging ipalawak an gating mensahe at mapaunlad ang pambansang wika sa pamamagitan ng paggamit ng Filipino sa pakikipag-ugnayan natin sa iba’t-ibang sector, at sa mga komunidad.
Ikinagagalak kong ibahagi sainyo na matagumpay nating naisalin, as we have heard earlier, sa wikang Filipino an gating misyon, bisyon, at mandato. Mga materyales na pambigay impormasyon, edukasyon at komunikasyon. Mga pangalan ng opisina at tanggapan, at higit sa lahat, ang 19 na gabay sa pamayanan.
Isang karangalan ang maipagkaloob sa atin ng Komisyon ng Wikang Filipino ang gantimpala na tinaguriang Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko, Ikalawang Antas noong una at ikalawang antas n gating pagsali sa patimpalak.
Bilang pagdiriwang sa Buwan ng Wika, lubusan nating ipinagmamalaki ang katunayan n gating pagsisikap sa larangan ng pagsasalin sa wikang Filipino sa pamamagitan ng eksibit na ito. Sa ikatlong taon n gating pagsali sa Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko, ang kagawaran natin ay nakatuon sa pagtulong sa KWF sa pagtiyak sa pagpapayabong n gating pambansang wika.
Maraming salamat muli sa Komisyon ng Wikang Filipino sa karangalang ito, at sama-sama nating ipagmalaki ang wikang Filipino. Sa mga kawani, opisyal, at mga kasama ditto po sa DENR, isa pong paalala: Ang paggamit ng wikang Filipino ay sana din maging sagisag ng katapatan sa bayan, at ng galling at talino sa serbisyo. Sana po huwag po nating kalimutan ito.
Mabuhay po tayong lahat.