Upang mas mapabilis ang paglilinis ng Manila Bay, gumagamit ng makabagong teknolohiy atulad ng skimmer sa rehabilitasyon ng ilog. Ayon sa pinakahuling ulat ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC), na siyang nagmo-monitor ng paghahakot ng basura gamit ang naturang skimmer mula noong Hunyo 27, umabot na sa 4,120 sako ng water hyacinths at iba’tibang uri ng basura ang nakuha sa makasaysayang ilog mula nang magsimula ang “Battle for Manila Bay”. Pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources sa pamumuno ni Secretary Roy A. Cimatu ang rehabilitasyon ng Manila Bay batay sa Administrative Order No. 16 ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na inilabas noong Pebrero 19 ng kasalukuyang taon.#