Tulad ng aming naipangako, ipagpapatuloy po natin ang pagsasaayos ng Manila Bay.
Tututukan po natin ngayon, ang paglilinis ng tubig sa Manila Bay upang sa ganon hindi na lamang pasyal ang maaaring gawin ng ating mga kababayan sa dolomite area, kundi pati ang pagligo at paglangoy, sa nalalapit na panahon.
Bukod sa paglilinis ng tubig, tatapusin na rin po natin ang mga iba pang proyekto sa Manila Bay, kagaya po ng mga sumusunod:
1. Pagsasaayos ng Drainage System sa mga outfalls ng Padre Faura, Remedios at Abad. Sa gagawin po nating ito, lahat po ng maduming tubig na nanggagaling sa mga kabahayan at industriya ay “ida-divert” po natin para linisin sa ating STP at yun naman pong tubig ulan, upang hindi magbaha sa kalakhang Maynila ay papadaanin sa malaking HDPE Pipe na may habang 400 metro mula po sa sea wall.
2. Gagawin din po natin ang outfall na malapit sa Dolomite Rock Garden, kung saan nakitaan po ng mataas na fecal coliform level, ayon sa ating EMB NCR. Lahat po ito ay tatapusin natin ngayong taong 2021 kung magkaroon man ng pagbabago sa Alert Level sa NCR o hanggang sa unang quarter ng 2022.
3. Ang Phase 2 po ng dolomite project ay magsisimula naman ngayong lingo. Ito po ay mula 140 metro hanggang 500 metro. Maglalagay din po tayo ng mga geo- engineering interventions kagaya ng geotubes sa loob ng 360m area. Ito po ay matatapos din ngayong taon.
4. Gagawin din natin ang pagsasaayos ng mga fishing area sa bahagi ng Manila Yatch Club. Kasama rin dito ang maliit na beach area at playground para sa mga bata.
5. Gagawin din ngayong taon hanggang Disyembre ang dalawang “Solar powered comfort rooms,” souvenir shop at isang Mandamus Office na itatayo sa gitna ng baywalk area para mangasiwa sa operasyon ng Manila Bay.
6. Lalagyan din ng lighting and landscaping work sa kahabaan ng Baywalk Area na matatapos din ngayong taon upang sa ganoon na kahit sa gabi ay maaaring makita ng ating mga kababaayan ang kagandahan ng Manila Bay walk.
Dahil sa mga nasabi naming gawain at rehabilitation works na ipapatupad sa mga darating na mga araw, nais po naming ipabatid sa lahat ng ating mga kababayan na ang Manila Baywalk Dolomite Beach ay mananatili pong nakasara. Hinihingi po ang inyong pasenya at pang-unawa.
Maraming salamat po.