Hiniling ni Environment Secretary Roy A. Cimatu sa top forestry officials ng Southeast Asia na gumawa ng paraan upang maging balanse para maipreserba ang forest resources sa rehiyon at ang pangangailangan ng mga tao na patuloy ang paglaki ng bilang.
“We need to strike a balance between meeting the demands of the people and stability of the environment,” ayon sa mensahe ni Cimatu na binasa ni DENR Undersecretary for Policy, Planning and Internal Affairs Jonas Leones sa ginanap na 22nd meeting ng ASEAN Senior Officials on Forestry (ASOF) na idinaos sa Makati City nitong Hulyo 18.
Sabi pa ni Cimatu sa ASEAN forestry leaders, “ You must transform into actions the strategic direction of sustainable forest management, competitiveness for foreign products, forest rectification, forest law and enforcement in government, and other forestry concerns.”
Ang ASOF ay isang multinational body na layuning tumalakay sa mga polisiya, gumawa at magpatupad ng regional cooperation activities para sa international at regional forestry.
Layon din nito na mapalakas ang international competitiveness ng ASEAN forestry products at maisaayos ang pagkakaroon ng pinagsamang posisyon sa international fora.
Ayon kay Cimatu, mahalaga ang kagubatan para sa global sustainable development goals (SDGs), partikular na ang SDG 6-Clean Water and Sanitation, SDG 13-Climate Action at SDG 15-Life on Land.
Ang SDG ay ang pinagsama-samang 17 global goals na may kanya-kanyang hangarin. It ay binuo ng United Nations General Assembly noong 2015 at “target” ang katuparan nito sa taong 2030.
“Forests will lead to the achievement of multiple SDGs, including poverty alleviation, food security, conservation and sustainable use of natural resources,” pagdidiin pa ni Cimatu.
“Accordingly, SDGs require stronger commitment to restore, protect, and promote sustainable management of forests and other terrestrial ecosystems,” dagdag nito.
Samantala, sinabi naman ni DENR OIC Assistant Secretary for Staff Bureaus at kasalukuyan ding Biodiversity Management Bureau (BMB) Director Ricardo Calderon na kahit na “ASEAN forestry continues to grow because of the integration and cooperation,” it is “somehow overshadowed by the growing concern on biodiversity conservation.”
Aniya, malaking bagay ang naitutulong ng mga kagubatan partikular na sa pagbibigay ng pangangailangan ng mga tao at ito rin ay isa sa tinatawag na “backbone” kung ang pag-uusapan ay ang ekonomiya ng ASEAN member-countries.
Binigyang-diin pa nito na ang deforestation at ang pagkawala ng biodiversity sa Southeast Asia ay hindi dapat ikahina ng ating loob bagkus ito pa ang gawing batayan para sa malaking pagbabago sa hinaharap.
“This is a major challenge to ASOF, the ASOF leaders, and our dialogue partners to work harder and walk the extra mile towards achieving the strategic direction and action plans and operationalize these at a national level,” sabi ni Calderon. ###