Libo-libong advertisement paraphernalia na illegal na nakapost sa mga pampublikong lugar ang nakolekta sa isinagawang Oplan Baklas sa Probinsya ng Batangas. Ang oplan baklas ay isang aktibidad na nilahukan ng Department of Environment and Natural Resources o DENR kung saan inaalis ang ang mga materyales na illegal na nakakabit sa mga punong kahoy kagaya ng mga Campaign Materials. Ito ay ayon sa Seksyon 3 ng Republic Act No. 3571 at Presidential Decree No. 953 kung saan ang pagpapako sa punongkahoy ng anumang advertisement paraphernalia, kasama ang election campaign materials, ay mahigpit na ipinagbabawal.
Ang aktibidad na ito ay magkakasabay isinagawa ngayong araw sa Sampung Munisipyo ng Batangas: Agoncillo, Balayan, Calaca, Calatagan, Lemery, Lian Nasugbu, San Nicolas, Sta Teresita sa pangunguna ng Commission on Elections (COMELEC) at sa pakikipagtulungan ng DENR CENRO Calaca, Department of Public Works and Highways (DPWH), Philippine National Police (PNP) at Lokal na Pamahalaan. ###