Naniniwala si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary
Roy A. Cimatu na nasa tamang direksiyon ang tinatahak ng isinasagawang rehabilitasyon ng
Manila Bay na sinimulan mahigit isang buwan na ang nakalilipas.
“I can proudly say, we are on the right track,” deklarasyon ni Cimatu sa pinangunahan
nitong pulong ng Manila Bay Task Force sa Quezon City.
Ito rin ang kauna-unahang pulong ng inter-agency body na pinamumunuan ng DENR
matapos buuin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong nakalipas na buwan ang task force
sa pamamagitan ng Administrative Order No. 16 na magpapabilis sa isinasagawang
rehabilitasyon at restorasyon ng coastal at marine ecosystems ng Manila Bay.
Ayon kay Cimatu, ang paglagda sa administrative order ay nangangahulugan na labis
ang tiwala at kumpiyansa ng pangulo sa mga hakbang na maaaring gawin upang matupad ang
misyon sa rehabilitasyon ng Manila Bay.
Bago nilagdaan ang administrative order ay inilunsad ng DENR noong Enero 27 ang
tatlong bahagi ng rehabilitation project na tinawag na “Battle for Manila Bay” kung saan ay
mahigit 10,000 katao ang nakilahok sa isinagawang cleanup activity sa kahabaan sa ibat-
ibang lugar sa Manila Bay region..
Sinabi pa ni Cimatu, ang makasaysayang cleanup activity na ito ay naging posible
dahil na rin sa nakapalaking suporta na ipinakita ng mga local government units, private
sectors, academe at non-government organizations.
“We were more than 10,000 at that time, all with hearts and minds set to rehabilitate
and restore Manila Bay to its former glory,” sabi pa nito.
Matapos ang mahigit anim na linggo, iniulat ni Cimatu na sa pamamagitan ng
Laguna Lake Development Authority (LLDA) ay nakapagbigay na ang DENR at Laguna
Lake Development Authority (LLDA) ng 263 Notices of Violations at 119 Cease and Desist
Orders sa mga establisyamento sa Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon dahil sa mga
paglabag sa Philippine Clean Water Act of 2004 at iba pang environmental laws.
Malaki rin ang maitutulong sa isinasagawang rehabilitasyon ng Manila Bay ang
ginawang paglagda ni Ramon Ang ng San Miguel Corp. sa memorandum of agreement na
naglalayong linisin ang Tullahan-Tinajeros River System na isa sa pinakamaruming river
system sa Metro Manila.
“Mr. Ang generously pledged P1 billion for this project which will positively impact
the rehabilitation of Manila Bay,” ani Cimatu.
Aniya, ilan pang kumpanya ang nagpahayag ng kanilang pagsuporta sa rehabilitasyon
ng Manila Bay at iba pang daluyan ng tubig kabilang na dito ang SM Group para sa
Parañaque River at ang Megaworld para naman sa Marikina River.
“Let us put our minds together, roll up our sleeves, and more importantly, commit
ourselves for the rehabilitation of Manila Bay for the present and the future generations,”
pahayag pa ni Cimatu sa mga pinuno at representante ng iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno na
kasama sa rehabilitasyon.
Dagdag pa nito, “My fellow workers in government, Administrative Order No. 16 has
laid down our tasks. We have all been hand-picked to do this job. Let us be brave and
courageous enough to accept this colossal challenge of rehabilitating Manila Bay.”
Ayon din sa dating military chief, ang rehabilitasyon ng Manila Bay ay hindi lamang
isyu tungkol sa kalikasan bagkus ay tungkol din ito sa social at economic issue. “As we
remove and move people, and weed out industries and structures that violate the law and
hinder our work for Manila Bay,” aniya pa.
Ang isinasagawang rehabilitasyon ay mayroong tatlong bahagi kabilang na dito ang
“cleanup and improvement of water quality; rehabilitation at ang protection and
sustainment.###