Dahil na rin sa mga matagumpay na proyekto ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) tulad ng rehabilitasyon ng Boracay at ng Manila Bay at angpagpapasauli ng basurasa Canada ay masayang ipinagdiwang ng kagawaran ang kanilang ika-32 taong anibersaryo nitong Biyernes (June 14) na pinangunahan ni Secretary Roy A, Cimatu na nagbigay ng pagkilala sa buong ahensiya.
“I am truly honored to receive kind words and praises from different sectors, my co-secretaries, industry partners and the public for what we have accomplished thus far,” sabi ni Cimatu sa kanyang mensahe sa pagdiriwang ng anibersaryo ng DENR na ginanap sa central office sa Quezon City.
Dagdag pa nito, “The honor is not mine alone, I share all the good words and praises with you my co-workers in the DENR. I am just your leader but the knowledge, the hard work and the perseverance are all from you. I draw my strength and confidence from all of you.”
Ayon kay Cimatu, naging makasaysayan ang pagdiriwang ngayong taon ng anibersaryo ng DENR dahil simula noong 1987 ay ngayon lamang nabigyan ng mabigat na responsibilidad ang kagawaran.
“The trust and confidence reposed in our competence by our President and nation is at an all-time high,” sabi pa ni Cimatu na personal na pinili ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na pamunuanang inter-agency task force na nangasiwa sa rehabilitasyon ng Boracay at ang patuloy na paglilinis sa Manila Bay.
Matatandaan na naibalik ng DENR kasama angBoracay Inter-Agency Task Force at ang administrasyon ni Pangulong Duterte ang ganda at linis ang Boracay sa loob lamang ng anim na buwan.
Dahil na rin sa ipinakitang dedikasyon ng DENR sa rehabilitasyon ng Boracay ay binigyan pa ito ng mas mabigat na responsibilidad ng pangulo, ito ay ang restorasyon ng Manila Bay na layuning maibalik sa linis ang tubig nito na maaring gamitin para sa swimming, boating, fishing at iba pang aktibidad sa tubig.
Sinabi pa ni Cimatu, bagama’t aabutin ng ilang taon bago maging matagumpay ang tinaguriang “Battle for Manila Bay” ay ipagpapatuloy ng kagawaran ang ginagawang rehabilitasyon ng naturang baybayin hanggang sa tuluyan itong maibalik sa dating ganda at linis.
Aniya, malaki na rin ang nakitang pagbabago ng publiko sa Manila Bay at ipagpapatuloy ng DENR ang kanilang nasimulang trabaho hanggang sa makamit nila ang magandang resulta.
“I firmly believe that the Battle for Manila Bay is indeed a winnable battle. We are on the right track,” sabi pa ni Cimatu kasabay ng pasasalamat sa mga major corporation na sumusuporta sa ginagawang rehabilitasyon.
Ilan sa mga korporasyon na ito na lumagda sa kasunduan sa DENR sa Adopt-An-Estero program ay ang San Miguel Corporation, SM Prime Holdings and ang Metro Pacific Investments Corporation.
Kamakailan lang ay naatasan din ang DENR na makipagtulungan sa Canadian government upang masolusyunan ang problema tungkol sa mga basura na nagmula sa Canada may anim na taon na ang nakalilipas.
Aniya, hindi sumang-ayon ang Pilipinas sa kagustuhan ng Canadian government na ma-delay pa ang pagbalik ng mga basura sa kanilang bansa.
“The expenses for the shipping of the wastes were shouldered by the Canadian government. So that’s another feather in our cap,” sabi pa niCimatu.
Dagdag pa ng kalihim, sinimulan na rin ng Pilipinas ang bagong kabanata sa “biodiversity conservation” sa pamamagitan ng paglagda sa agreement sa Wildlife Reserves Singapore para mapangalagaan ang magkapares na Philippine Eagle na sina Geothermica at Sambisig.
Sa pamamagitan nito, matitiyak ang pangangalaga sa magkapares na agila na nanganganib nang maubos ang lahi.
Ayon kay Cimatu, nagging makatuparan ang proyektong ito dahil na rin sa masisipag, magagaling at matatalinong tao sa DENR family mula sa undersecretaries, assistant secretaries, directors, division chiefs hanggang sa ordinaryong empleyado.
“I congratulate and commend each and every one of you, for a job well done, and more jobs that will be done better. Let us take pride in being members of the DENR family,” ani pa nito.
Sinabi din ng environment chief, naabot ng mga opisyal at empleyado ng DENR ang ekspektasyon ng pangulo particular na ang pagbibigay ng proteksiyon sa biodiversity at marine ecosystems sa West Philippine Sea at Philippine Rise.
Ipinaalala din ni Cimatu ang pagkakaroon ng epektibong istratehiya at polisiya para mapangalagaan ang kalikasan at likas na yaman sa West Philippine Sea at Philippine Rise dahil na rin sa kinahaharap nating problema sa climate change. ###