Nakapagbukas na ng bagong tanggapanang Land Management Bureau (LMB) sa Quezon City matapos tupukin ng apoy ang dati nitong opisinasa Manila, halos sampung buwan na ang nakalilipas.
Ayon kay LMB Director Emelyne Talabis, handang-handa na ang kanilang ahensiya na muling makapagsilbi sa publiko tungkol sa usapin na may kaugnayan sa lupa sa kanilang bagong tanggapan sa Estuar Building na matatagpuan sa kahabaan ng Quezon Avenue, Quezon City.
“We are now ready to process land applications, survey and dispose alienable and disposable lands in our new home,” sabi pa ni Talabis.
Matatagpuan din sa bagong gusal ing LMB ang mga opisina ng director, assistant director, bureau divisions, kabilang na ditto ang records and management, geodetic surveys, legal, land policy and planning at land management.
Magsisilbi ring opisina ng Center for Land Administration and Management (CLAMP), bids and awards committee at administrative support staff ang bagong gusali.
Samantala, nagpasalamat naman si Talabis sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) bureau directors dahil sa pagpayag ng mga ito na pansamantalang magkaroon ng opisina ang LMB sa kanilang tanggapan, kabilang sa mga ito ang Mines and Geosciences Bureau, Biodiversity Management Bureau at ang Environmental Management Bureau.
“We are grateful that they took us in right after the fire,” sabi pa ni Talabis at idinagdag pa nito na ang kanilang mga kliyente na nagkaroon ng transaksiyon sa mga nabanggit na tanggapan ay maaari nang dumiretso sa Estuar Building.
Noong Mayo 28, 2018 nang tupukin ng apoy ang LMB Building na matatagpuan sa Binondo, Manila. Nadamay din sa sunog ang mga katabi nitong gusali at establisiyamento kabilang na ditto ang National Archives Office.
Matapos ang sunog, tiniyak ni DENR Secretary Roy A. Cimatu sa publiko na ang lahat ng land data at records para sa“land titling” ay buo at kumpleto.
Aniya, ang lahat ng records ng LMB office ay mayroong “digitized copies” sa DENR regional offices at sa provincial at community environment and natural resources offices.
Sinimulan na rin ng DENR ang malawakang implementasyon ng Land Administration Management System na isang paraan upang pagsamahin ang lahat ng land data at records sa bansa kabilang na ditto ang pagpo-proseso sa “land titling”.
Maaaring matawagan ang LMB office sa numerong 372-38-28 o kaya naman ay bisitahin ang kanilang website: lmb.gov.ph o sa kanilang email: denrlmb@yahoo.com.###