Muling nakahanap ng katuwangang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa wetlands na matatagpuan sa kinikilala sa buong mundo na Isla ng Boracay.
Ito ay matapos na lumagda sa memorandum of agreement (MOA) ang DENR at ang JG Summit Petrochemical Corp. (JGSPC) nitong Huwebes (Marso 7) para sa rehabilitasyon ng Boracay’s Wetland No. 8 na matatagpuan sa Barangay Manoc-Manoc.
Ang JGSPC ay ang nangungunang supplier ng world-class petrochemical products and solutions sa Pilipinas na nasa pangangasiwa ng JG Summit Holdings na pagmamay-ari ng mga Gokongwei.
Nagpasalamat si Secretary Roy A. Cimatu na nagging kinatawan ng DENR sa paglagda sa MOA, dahil na rin sa ipinakitang suporta ng JGSPC, na itinuring nyang isang positibong hakbang tungo sa biodiversity conservation.
Ayon sa kalihim ng DENR, ang mga wetlands ay isa sa mga pinaka napabayaan at napinsalang ecosystems sa kabila ng kanilang kahalagahan sa pagsasaayos ng natural na daloy ng tubig sa kapaligiran.
“Government, on its own, cannot guarantee our natural ecosystems’ sustainability. We need partners with the resources and long-term vision to collaborate with us,” ani Cimatu.
Tinawag nya ang JG Summit bilang isang “ideal partner” ng DENR dahil sa kanilang corporate social responsibility programs, kabilang na ditto ang kanilang One Million Trees Project at ang Juan Effect Program ng Cebu Pacific.
Pinuri ni Cimatu ang kumpanya dahil sa pagsang-ayon nito sa science-based assessments at development plans na maglalayong hayaan ang natural nadaloy ng tubig at effluents, patina din ang pagpanumbalik ng natural vegetation sa wetland.
Ang MOA signing ay naganap sa DENR central office sa Quezon City. Kasama ni Cimatuna lumagda para sa DENR si Director Crisanta Marie Rodriguez ng Biodiversity Management Bureau (BMB). Pumirma naman para sa JGSPC ang president at chief executive officer nito na si Patrick Henry Go, kasama ng vice-president na si Marino Agbayani.
Ang partnership ay bahagi ng Adopt-a-Wetland program ng BMB, na kung saan ang pribadong sector ay nangangakong tutulong sa rehabilitasyon at pagpapanumbalik ng wetlands nang walang gagastusinang pamahalaan. Mayroong siyam na wetlands sa Boracay nanatukoy para sa programa.
Sailalim ng MOA, ang JGSPC ang mangangasiwa sa pagpapaganda at rehabilitasyon ng 1.8-ektaryang Wetland No. 8 sa isasagawa sa tatlong bahagi.
Nakasaad sa unang bahagi ng proyekto na magsasagawa ng pag-aaral sa wetlands kabilang na ditto ang tungkol sa bathymetric surveys, profiling at biodiversity assessment.
Ang magiging resulta ng pag-aaral ang gagamitin upang makabuo ng rehabilitation plan para sa ikalawang bahagi ng proyekto. Kabilang sa gagawing planoang pagpapahalaga sa “touristic values” ng wetland habang pinangangalagaan ang “ecological services” nito kabilang na ang “flooding regulation” at “water filtration”.
Ang huling bahagi ng proyekto ay ang implementasyon ng rehabilitation plan ayon na rin sa itatakdang panahon ng DENR.
Nakasaad pa sa MOA, magiging responsibilidad ng JGSPC ang pagbibigay ng prayoridad upang mabigyan ng trabaho ang mga residente sa komunidad kabilang narin ditto ang pag-ako sa mga gagastusin sa gagawing rehabilitasyon.
Tungkulin naman ng DENR ang pagbibigay ng tulong upang maiproseso ang mga dokumento at papeles kabilang na ditto ang pagsasaayos ng environmental compliance certificate, certificate of non-compliance at iba pang permits at clearances.
Bahagi din ng nakaatang na tungkulin sa DENR ang mga sumusunod: take the lead in identifying the areas where the studies and rehabilitation plan will be carried out; consolidating and analyzing studies; wetland profiling and management planning; developing information campaign materials; and preparing a sustainability plan that will ensure the sustainability of activities in the rehabilitation area.
Ang kasunduang ito ay maaaring i-renew pagkalipas ng tatlong taon na syang bisa ng MOA.
Sa siyam na wetlands ng Boracay, apat ang na-“adopt” na at sinisimulan nang ayusin ng pribadong sector. Ito ay ang Wetland 2 nanatulungan ng Energy Development Corporation; Wetland 3-San Miguel Corporation, Wetland 4-Aboitiz Equity Ventures, at Wetland 6-Boracay Tubi System Inc. ###