Nanawagan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa gobyerno, business sector at iba pang stakeholders na makipagtulungan sa kanilang ahensiya upang mabigyang solusyon ang problema sa plastic pollution na nagiging dahilan ng pagkasira ng karagatan at marine biodiversity.
Ayon kay DENR Assistant Secretary at concurrent Biodiversity Management Bureau (BMB) Director Ricardo Calderon, sa pamamagitan ng pinalakas na public-private partnership ay mapadadali ang ugnayan ng gobyerno at business sector para mabigyan ng mabilisang solusyon ang problema sa plastic pollution.
“We urge everyone to join the pledge for our environment; a pledge that will institutionalize our collective and collaborative action towards addressing the issue of marine debris,” sabi pa ni Calderon sa ginanap na culminating program ng Month of the Ocean na may temang “Free the Seas from Marine Debris” na idinaos sa The Peninsula Manila.
Ang pahayag na ito ni Calderon ay base narin sa panawagan ni Environment Secretary Roy A. Cimatu sa mga Filipino na bawasan ang paggamit ng plastic na napupunta sa mga karagatan na nagiging banta sa marine life.
“The task of reversing this issue is as big and wide as the ocean, but small actions can make a huge difference,” sabi pa ni Cimatu.
Base sa isinagawang pag-aaral ng Ocean Conservancy na isang US-based environment advocacy group, lumalabas na walong milyong tonelada ng plastic ang napupunta sa karagatan kada taon na dumaragdag pa sa 150 milyong tonelada na nagpapaikot-ikot lamang sa mga baybayin at nagiging dahilan sa pagkaubos ng mga species at pagkakaroon ng kontaminasyon ng kanilang mga kinakain.
Ayon kay Calderon, ang marine plastic pollution ay isasa alarming issue nakinahaharap ngayon ng buong mundo at ang Pilipinas ang isa sa major contributors sa problemang ito ng mundo dahil sa tinatawag na “sachet economy” kung saan ang mga kumpanya ay nagbebenta ng mga produkto na nakalagay sa single-used plastic sachet.
Bagama’t medaling ipagbawal ang paggamit ng plastic sachet, sinabi ni Calderon na malaki ang magiging epekto nito sa ating ekonomiya kaya’t ito ang dapat na paghandaan ng mga stakeholders particular na ng gobyerno at ng mga negosyante.
“As one of the fastest developing countries in the world, with more than 6.6 percent in terms of world trade, one of the drivers of economic growth is basically the sachet economy, the 3-in-1 packages, including the plastic straw, which is basically part of development,” pagdidiin pa nito.
Aniya, ang pagtulong sa pagbibigay ng solusyon sa problemang ito ay isang paraan upang matulungan ang mga sea animals na makaiwas na makakain ng plastic. Kamakailan ay isang rough-toothed dolphin (Steno bredanensis) ang namatay sa Palawan matapos makakain ng garbage bag.
Umaabot sa bilyong plastic sachet ang naibebenta kada taon mula sa personal care at food products tulad ng shampoo at soy sauce. Ang mga sachet na ito ay hindi naire-recycle kaya’t nakapagbibigay ito ng polusyon sa dagat.
Umaasa pa si Calderon na makahanap na paraan ang mga stakeholders na makapagbibigay ng solusyon sa problemang ito nang hindi naaapektuhan ang ating pag-unlad. ###