Pangungunahan ng Forest Management Bureau (FMB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kauna-unahang Wood Summit na layuning magkaroon ng komprehensibong stratehiya upang palakasin ang forestry at wood products sector at mapalago ang industriyang ito.
Gaganapin ang summit ngayong bukas (Enero 29) sa EDSA Shangri-La Hotel sa Mandaluyong City na may temang “Sustainable Forest Management: The Role of Wood Industry in Nation-Building” kung saan ay dadaluhan ito ni DENR Secretary Roy A. Cimatu.
Ayon kay FMB Director Nonito Tamayo, ang okasyong ito ay base na rin sa nakasaad sa Philippine Development Plan 2017-2022 na naglalayong palakasin ang wood industry sa bansa.
Aniya, kabilang sa agenda ng summit na ito ay ang pagtalakay sa pagbaba ng kontribusyon ng wood industry sa gross domestic product sa kabila ng malaking pangangailangan nito sa wood at wood-based products.
Sinabi pa ng FMB chief, layunin ng DENR na palakasin ang wood industry at pasiglahin ang kagubatan sa pamamagitan ng implementasyon ng Expanded National Greening Program (E-NGP).
“The summit will gather different industry players to present and discuss the current policy environment, business trends, and ways forward of the sector in order to develop and implement an effective regulatory and investor-friendly regime that ensure the sustainability of the wood industry in the Philippines,” sabi pa ni Tamayo.
Kabilang sa mga dadalo sa okasyon ang mga pinuno ng Community-Based Forest Management People Organizations (CBFM-POs), Philippine Wood Producers Association (PWPA), Chamber of Furniture Industries of the Philippines Inc. (CFIP) at Industrial Forest Managers of the Philippines Corp. (IFMP).
Kasama rin sa mga dadalo ay ang mga representante ng iba’t-ibang government agencies tulad ng National Economic and Development Authority (NEDA), Philippine Statistics Authority (PSA) at Department of Trade and Industry.
Sa mga nakalipas na taon, umaasa ang Pilipinas sa imported wood upang mapunan ang pangangailangan ng bansa sa kahoy dahilan upang maubos ang ating dollar reserves. Nitong 2006 hanggang 2015 ay 25% lamang o 1.5 cubic meters ang ating domestic wood requirements habang ang 75% o 4.5 million cubic meters ay nagmumula sa ibang bansa. ###