Nakapagtala ng “record-breaking accomplishments” ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa ilalim ng Solid Waste Management (SWM) program matapos nitong lampasan ang “target” ng ahensiya na pagsunod ng mga local government units (LGUs) sa Republic Act 9003 o mas kilala bilang Ecological Solid Waste Management Act of 2000.

“Given that SWM stands alongside the other major programs of the DENR, we are determined to go over and beyond our targets and to work fast to show that we are serious in solving this perennial problem,” sabi ni DENR Undersecretary for Solid Waste Management and LGU Concerns Benny Antiporda.

Sa ulat ng Environmental Management Bureau (EMB), lahat ng regional offices ng DENR ay lumampassa kani- kanilang mga “target” sa tatlong magkakahiwalay na indicator ng programa, kabilang na dito ang (1) 10-year SWM plans reviewed and endorsed, (2) LGUs assisted on dumpsite closure and rehabilitation, at (3) materials recovery facilities (MRFs) established.

Para sa 10-year SMW plans, umabot sa 359 10-year SMW plans ang narepaso at inendorso ng DENR sa National Solid Waste Management Commission (NSWMC). Ito ay nakapagtala ng “181% accomplishment” versus sa target na 198 SMW plans para sa taong 2018.

Mula sa 359 SMW plans na narepaso ng NSWMC, na pinamumunuan ni Antiporda, 308 SWM plans ang naaprubahan ng komisyon. Base sa talaan ng EMB, simula 2010 hanggang 2017 ay nakapag-aapruba lamang ang komisyon ng 46 SWM plans (average) kada taon at ang pag-angat ng bilang ng mga naipasang SWM plans nitong 2018 ay umangat ng 568% kumpara sa mga nakalipas na taon.

Ang Region 12 ang may pinakamataas na “accomplishments” kung saan ay mayroon silang 32 SMW plans na narepaso mula sa target na 4 o 800% pag-angat ng bilang, sinundan ito ng Region 13 na may 31 mula sa target na 5 o may 620% pag-angat habang ang Region 10 naman ay may 450% pag-angat mula sa 8 ay nagkaroon ito ng 36 SMW plans.

“The Commission has been doing its share of the work. We expect nothing less from the LGUs. We want them to know that after approval, the implementation of their respective SWM plans weighs more. Otherwise, we can file cases against them for non-compliance,” pahayag pa ni Antiporda.

Para naman sa ikalawang programa (LGUs assisted on dumpsite closure and rehabilitation), umabot sa 179 mula sa target na 113 ang nabigyan ng “technical assistance” para sa pagpapasara at rehabilitasyon ng “open at controlled dumpsites” na may 158% pagtaas ng bilang.

Ang Region 10 ang may pinakamataas na bilang na mayroong 413% pagtaas o 33 LGUs mula sa target na 8 sinundan ito ng Region 2, 35 mula sa 10 o may 350% habang ang Region 6 naman ay may 250% o 25 mula sa target na 10.

Mula naman sa ikatlong programa (establishment of MRFs), nakapagtala ang DENR ng 101% pagtaas ng mga nagawa mula sa target na 532 ay pumalo ito sa bilang na 537 kung saan ay Region 2 ang nanguna na may 36 mula sa target na 31 (16%) habang ang lahat ng regions ay nakapagtala ng 1005 “accomplishments”.

“We are overwhelmed by the exemplary performance of all regions in the DENR’s SWM program. Definitely, this is indicative of a genuine resolve to pursue the Department’s mandate to be the agency primarily responsible for the country’s environment and natural resources. It likewise demonstrates their support to our vision of a nation enjoying and sustaining its natural resources and clean and healthy environment,” pagtatapos pa ni Antiporda. ###