Hindi pa ligtas sa kaparusahan ang mga local executives na nagging pabayasa pagpapatupad ng mga environmental laws kahit na paalis na ang mga ito bilang lider sa kanilang pinamahalaang lugar.
Ito ang sinabini Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary for Solid Waste Management and Local Government Unit Concerns Benny Antiporda kasabay ngpagbibigay ng cease-and-desist orders (CDOs) sa sampung hotel at restaurant na napatunayang nagiging dahilan upang dumumi ang Bacuit Bay sa El Nido, Palawan.
Ang El Nido ay isasamga“tourism hot spots” sa bansa na kasalukuyang sumasailalim sa rehabilitasyon kasama ng Boracay at Manila Bay.
“There are only a minimal number of local government units who followed the instruction to temporarily revoke the mayor’s permit of violators, that’s why there is a need to show some force on irresponsible local executives,” sabi ni Antiporda.
Ayon kay Antiporda, nakapahalaga ang pagtugon ng mga local government sa pansamantalang pagsuspinde sa mayor’s permit ng mga pasaway na establisiyamento kapag ibinigay sa kanila ng DENR ang listahan dahil sa pamamagitan nito ay maiiwasan ang kontaminasyon ng mga waterways.
“We’re expecting full support coming from our local government once we have submitted our lists of violators in their respective areas. We expect them to act by temporarily suspending the mayor’s permit so as to avoid the wastewater discharge from contaminating our waterways,” dagdag pa ni Antiporda.
Noong isang linggo ay naglabas ng CDO ang DENR-MIMAROPA laban sa El Nido Sea Shell Resorts and Hotel na matatagpuan sa Brgy. Buena Suerte; Doublegem Beach Resort and Hotel, Buko Beach Resort, Panorama Resort (Mangonana Inc.), Four Seasons Seaview Hotel at Stunning Republic Beach Hotel sa Brgy. Corong-corong; Sava Beach Bar/Sava Nest Egg Inc., El Nido Beach Hotel at angThe Nest El Nido Resorts and Spa, Inc. sa Brgy. Masagana dahil sa paglabag ng mga ito sa Clean Water Act.
Nilinaw pa ni Antiporda na ang Clean Water Act ay ipinatutupad hindi lamang sa mga establisiyamento sa Palawan kundi maging sa buong bansa.
Nanawagan din ang DENR salahat ng local government units na agad na umaksiyon sa mga establisiyamentong nabigyan ng CDO sa pamamagitan ng pansamantalang pagbawi ng permit upang mapilitan ang mga ito na sumunod sa environmental laws at maiwasan ang pagkasira ng kapaligiran.
“If the outgoing officials still have the chance to prove their worth to their constituents before they leave, then they should do it. Otherwise, we will file cases against them if they have neglected their duty to enforce environmental laws” ani pa niAntiporda.
Aniya, sakaling mapatunayan na ang isang establisiyamento ay hindi sumusunod sa mga pamantayan ng tamang pagtatapon ng kanilang wastewater ay seselyuhan ng DENR ang pinagmumulan at pinaglalabasan ng kanilang tubig. ###