Nakatakdang maglabas ng ulat ang Pilipinas tungkol sa kalagayan ng mercury pollution sa bansa at ang mga epekto nito sa kapaligiran at kalusugan ng mamamayan bilang paghahanda sa ratipikasyon at implementasyon ng Minamata Convention na layuning ipatigil ang paggamit ng nakalalasong kemikal.
Ang Minamata Initial Assessment (MIA) report ay inihanda ng Environmental Management Bureau (EMB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) nasuportado ng Global Environment Facility (GEF).
Pangungunahan ni DENR Secretary Roy A. Cimatu ang paglulunsad ng MIA report at inaasahan na tatalakayin ditto ang “mercury management” sa Pilipinas. Gaganapin ito bukas (Marso 20, 2019) sa Pasig City.
“This report will enable us to determine the national requirements and needs for the ratification of the Minamata Convention and define national priorities for implementation of the treaty,” sabini Cimatu.
Kabilang sa mga dadalo sa okasyon ay sina DENR Undersecretary for Policy, Planning and International Affairs Jonas Leones, EMB Director MetodioTurbella at United Nations Environment Programme (UNEP) Program Director Shunichi Honda.
Ipiprisinta ni MIA consultant Ted Monroy ang MIA report habang magbibigay naman ng mensahe ang mga representante ng Department of Health at environmental non-government organization BAN Toxics.
Bilang bahagi ng Minamata Convention, nagsagawa ng pag-aaral ang Pilipinas upang maunawaan ang mga sumusunod: existing institutional and legal frameworks on mercury management, sources of mercury management, sources of mercury releases, the gaps that need to be filled, and actions required to ensure an effective implementation of the convention.
Ang mercury nakilalarin sa tawag na quicksilver ay isang nakalalasong kemikal na maaaring makaapekto sa utak, baga, bato at puso ng tao kung saan ay maaari nitong maapektuhan ang talino at pag-uugali.
Dahil sa kadahilan ang pangkalusugan at pangkapaligiran ay gumagawa ng mga paraan sa buong mundo upang bawasan ang paggamit ng mercury.
Noong 2013, kabilang ang Pilipinas sa 128 bansa na lumagda sa Minamata Convention na nagbibigay ng regulasyon sa paggamit at pangangalakal ng mercury. Bagama’t ang nabanggit na convention ay hindi pa ratipikado ng Pilipinas hanggang ngayon.
Dahil sa paglagda sa Minamanta Convention ay nagkaroon ng mga polisiya ang bansa sa paggamit ng mercury kabilang na ditto ang Republic Act 6969 o mas kilala sa tawag na Toxic Substances and Hazardous Nuclear Wastes Control Act of 1990.
Nakapaloob sa RA6969 ang mga sumusunod: mandates the control and regulation of the import, manufacture, processing, handling, storage, transport, sale, distribution, use and disposal of chemical substances and mixtures that present unreasonable risks and/or injury to health and the environment, among others.
Noong 1997 nang maglabas ng Chemical Control Order ang DENR na nagbibigay ng regulasyon sa paggamit ng mercury at mercury compounds upang maiwasan ang pagkakaroon ng epekto nito sa kapaligiran. ###