Dahil sa naganap na landslides sa MIMAROPA (Mindoro-Marinduque-Romblon-Palawan), Bicol Region at Eastern Visayas bunga ng bagyong Usman ay hinimok ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga local government units (LGUs) na gamitin ang kanilang geohazard maps at nakahanda ito anumang oras para magamit ng local disaster risk reduction and management councils (LDRRMCs).
Sa ginanap na DENR New Year’s Call na dinaluhan ng mga top officials ng naturang ahensiya, pinaalala ni Secretary Roy A. Cimatu na nakasaad sa Republic Act No. 10121 o ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act na ang mga local chief executives ay inaatasang pamunuan ang LDRRMCs na may responsibilidad sa paggawa ng disaster management ang risk reduction plans upang mabawasan ang bilang ng mga naapektuhan ng kalamidad.
“The DENR for its part contributes to DRR efforts through the geohazard maps which the Mines and Geosciences Bureau (MGB) distributes to all LGUs so they can identify landslide and flood-prone areas,” sabi pa ni Cimatu.
Base sa batas, ang LDRRMCs ang gagawa ng direction, development, implementation at coordination ng DRRM program sa kanilang mga nasasakupang lugar.
Kabilang na dito ang pagsasama ng disaster risk reduction at climate change adaptation para sa kanilang local development plans at programs kasama na dito ang pagbibigay ng rekomendasyon para sa forced at preemptive evacuation ng mga residente.
“I believe that through these maps, the DENR has done its part in protecting the lives of the Filipino people. We encourage LGUs to work hand in hand with us to protect our people.”, dagdag pa ni Cimatu.
Sinabi naman ni DENR Undersecretary for Solid Waste Management and LGU Concerns Benny Antiporda na kinakailangang gamitin ng mga local officials ang kanilang geohazard maps na maaari ring makuha sa website ng MGB na mgb.gov.ph upang magkaroon ng batayan ang mga ito sa pagbuo ng LDRRM plans.
Nagsasagawa din ang MGB ng information, education and communication (IEC) campaign upang matulungan ang mga LGUs at mga komunidad upang maintindihan ang mapa.
Ayon pa kay Antiporda, ang kalamidad ay maaaring dumating anumang oras pero dahil sa mapang ito ay makagagawa ng disaster risk reduction plans ang mga LGUs upang mailigtas ang buhay ng mga residente sa kanilang nasasakupang lugar.
“These (maps) are even color-coded to indicate areas that are high risk or with high susceptibility to landslides and floods. Thus, having no appropriate information is not an excuse,” paliwanag naman ni Cimatu.
“Given this, LGUs have the obligation to tell the people of the danger of staying in an area for the sake of their livelihood,” dagdag pa ng kalihim.
Binaggit din ni Antiporda na kamakailan ay muling nakaranas ng landslide ang Bicol Region partikular na ang Albay Province na kadalasang nagiging modelo para sa disaster risk reduction and management.
“It’s time for Albay to re-study their preparation and their systems,. “If climate changes, then better protection should be provided to people,” sabi pa nito.
Ang DENR’s Geohazard Mapping and Assessment Program ay ang kasalukuyang programa ng MGB na layuning matukoy ang mga lugar na delikado kapag nagkakaroon ng kalamidad. ###