Lemery, Batangas – Ginanap ang 4th quarter meeting ng Protected Area Management Board (PAMB) ng Taal Volcano Protected Landscape (TVPL) na pinangunahan ni DENR CALABARZON Regional Executive Director bilang PAMB Chairperson.
Ilan sa pinag usapan sa nasabing meeting ay ang pagtatayo ng establisyemento tulad ng water pumping station, water supply systems, farm to market roads, wilderness trails, at iba pang land development projects sa mga nasasakupan ng TVPL.
Patuloy rin ang pag momonitor at imbentaryo ng fish cages na matatagpuan sa Taal Lake at pagbibigay ng livelihood assistance sa fisherfolk na naninirahan malapit sa lawa. Dagdag pa rito ay pinag usapan rin ang updating ng TVPL Management Plan, Water Quality Monitoring, Biodiversity Monitoring Systems, status ng Survey and Registration of Protected Area Occupants, imbentaryo ng mga establisyemento sa 40-meter legal easement ng Taal Lake, at patuloy na monitoring ng mga establisyemento na pinagkalooban ng PAMB Clearance.
Dinaluhan ito nina Mayor Janet Ilagan ng bayan ng Mataasnakahoy, Mayor Norberto Segunial ng bayan ng Sta Teresita, at mga kinatawan mula sa Provincial Government Office ng Cavite at Batangas, iba pang mga National Government Agencies tulad ng DOST-PHILVOCS, Department of Agriculture, Department of Science and Technology, National Economic and Development Authority, Office of the Civil Defense, Philippine National Police, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, at iba pang mga representante ng mga lokal na pamahalaan sa loob ng TVPL, at People’s
Organization tulad ng Taal Lake Aquaculture Association Inc. at Kilusan ng mga Maliliit na Mangingisda sa Lawa ng Taal.
Hinihikayat ng DENR CALABARZON ang publiko na makiisa sa laban para sa ating kapaligiran. Para sa may mga sumbong ukol sa ilegal na gawain sa loob ng Protected Area na may kaugnayan sa kalikasan ay maaaring tumawag o magbigay ng mensahe sa 8888 hotline numero 09561825774/ 09198744369 at Trunkline No. (049) 540-DENR (3367) / (049) 554-9840 – 48 local – 121. Ang mga litrato, bidyo, at iba pang impormasyon ay maaari ring ipadala sa opisyal na Facebook page ng DENR CALABARZON: https://www.facebook.com/DENR4AOfficial/. ###