Nanawagan si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy A. Cimatu sa lahat ng Filipino na limitahan na ang paggamit ng plastic na napupunta sa mga karagatan at nagdudulot ng panganib sa marine life.
Ayon kayCimatu, ang plastic pollution ang isa sa nagbibigay ng panganib sa mga karagatan sa buong mundo. Umaabot sa 8 milyong tonelada ng plastic waste ang nakukuha sa mga dagat kada taon.
“The task of reversing this issue is as big and wide as the ocean, but small actions can make a huge difference,” sabi pa niCimatukasabay ng paghihikayat sa mga tao na bawasan ang paggamit ng plastic at maging tagapangalaga ng marine life.
Ang apela na ito ng kalihim ay kasabay ng pakikiisa ng bansa sa buong mundo sa pagdiriwang ng World Wildlife Day 2019 na may temang “Life below water: for people and planet”.
Base sa Ocean Conservancy, umaabotsa8milyongtoneladang plastic ang napupunta sa mga karagatan kada taon at dumaragdag sa 150 milyong tonelad ang plastic na patuloy na nagpapalutang-lutang sa mga karagatan. Dahil dito, nauubos ang mga nabubuhay sa tubig at nagkakaroon ng kontamina sa pagkain ng mga ito.
Ayonsa 2017 International Coastal Cleanup report, kabilang sa mga pangunahing basura na nakukuha sa dagat ay ang cigarette butts, plastic bottles/cups, straw/stirrers at iba pang plastic bags.
Sinabi rin sa report namaaaringumabotsa1 milyong seabirds, 100,000 sea mammals, marine turtles at iba’t ibang uri ng isda ang maaaring mamatay kada taon dahil sa ingestion and entanglement.
Saulat pa ng United Nations, sinabi ni Cimatu na isa ang Pilipinas sa top 5 contributors ng plastic waste sa karagatan.
“We produce 2.7 metric tons of plastic waste every year. Following this trajectory of plastic production and mismanagement, UN reports predicted that by 2050, there will be more plastic in the oceans than there are fish,”sabi pa ng kalihim.
Samantala, nagkaloob naman ng 44 na medalya ang Biodiversity Management Bureau (BMB) ng DENR sa ginanap na 6th Wildlife Law Enforcement Awards kung saan ay binigyan ng pagkilala ang mga taong patuloy na lumalaban upang mapangalagaan ang “wildlife” o buhay-ilang,laban sa mga iligal na kolektor at nagbebenta nito.
Kabilang sa mga nabigyan ng award ay ang 21 opisyal ng National Bureau of Investigation; 14 mula sa Bureau of Customs; anim mula sa Philippine National Police; dalawa mula sa city government ng Cebu at isa ang nanggaling sa Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry.
Ayonkay BMB Director Crisanta Marlene Rodriguez, taon-taon ay nagbibigay ng pagkilalaang DENR samgakatuwang ng ahensiyasamgaprogramadahilsamganaibibigaynatulong ng mgaitosapagpapatupad ng “wildlife laws, rules at regulations”.
“For the past five years, the DENR has conferred the Wildlife Law Enforcement Awards to at least 365 men and women,” sabi pa ni Rodriguez.
Bahagi din ng WWD 2019 ang awarding ceremony ng United States Agency for International Development (USAID) para sa mag-aaral na nagtapos at gusto pang pag-ibayuhin ang kanilang “research priorities” para mapangalagan ang “biodiversity” saPilipinas.
Kabilang sa mga mag-aaral na nabigyan ng tulong pinansiyal sa kani-kanilang gagawing research ay sina Adrian Luczon, tungkol sa Philippine fruit bats, University of the Philippines – Diliman; Amelita Luna, tungkol sa metallophytes or plants which can thrive in metal-rich soils and how it can be used for mined-out areas, University of the Philippines – Los Baños; Adriane Tobias, Rafflesia or a parasitic flowering plant which can be found in the Philippines and its other species, University of the Philippines – Los Baños; Yñigo Luis Del Prado, Philippine pitvipers, University of Santo Tomas; at Jayson Caranza, Capisaan Cave System in Nueva Vizcaya, University of the Philippines – Los Baños.
Bukod dito, bahagi din ng selebrasyon ang quiz bee para sa mga Grade 9 students upang maengganyo ang susunod na henerasyon upang mas pahalagahan pa ang “biodiversity” at marine wildlife. ###