Nanawagan si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy A. Cimatu sa sama-samang pagsisikap upang matanggal ang basura sa tubig at iba pang pinanggagalingan ng polusyon sa Manila Bay at iba pang daluyan ng tubig na patungo sa baybayin.
“All of these efforts for the cleanup are integrated. We plan to clean the Manila Bay including all the esteros and rivers connected—the Pasig River and the Laguna Lake,” sabi pa ni Cimatu .
Aniya, bukod sa tanggapan ng DENR regional offices sa Metro Manila, kasama rin ang mga opisina ng Calabarzon region (Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon), Pampanga at Bataan sa gagawing rehabilitasyon ng Manila Bay.
Idinadag pa nito, kailangan ding linisin ang pinanggagaling ng maruming tubig upang mapigilan ang polusyon.
“We need to find out where the outfalls come from individually, because in just one estero we can find lots of outfalls. “We have seen the problem closely this time, and we have already laid out a detailed solution,” sabi pa ng kalihim.
Layunin ng DENR na maibaba ang coliform level sa lahat ng esteros sa 100 most probable number (MPB) per 100 milliliters (ml).
Maging ang water concessionaires na Maynilad at Manila Water na nagsusuplay ng tubig sa mga commercial at residential establishments sa Metro Manila ay dadaan din sa inspeksiyon.
Kasama rin sa gagawing proyektong rehabilitasyon ng Manila Bay ang reforestation ng mangrove sa Las Piñas-Parañaque Critical Habitat and Ecotourism Area (LPPCHEA).
Sa darating na Enero 27 ay sisimulan na ang Manila Bay rehabilitation plan kung saan ay ihahayag din ng DENR ang mga establisiyamentong hindi sumusunod sa Philippine Clean Water Act of 2004. ###