Hiniling ni Department of Environment and Natural Resources (DENR ) Secretary Roy A. Cimatu sa 178 alkalde ng mga siyudad at munisipyo na nakapaligid sa Manila Bay na tumulong sa isinasagawang rehabilitasyon ng naturang baybayin sa pamamagitan ng paglilinis ng mga ilog at estero sa kanilang mga nasasakupang lugar.
“We have to clean all 47 esteros and all the rivers that contribute to the pollution of Manila Bay. Walang maiiwan, iisa-isahin natin,” sabi ni Cimatu sa ginanap na Local Executives’ Forum on Manila Bay Cleanup, Rehabilitation and Preservation Program sa Maynila noong Lunes.
Ang forum, na inorganisa ng Department of the Interior and Local Government (DILG), ay dinaluhan ng mga opisyal at kinatawan ng mga local government units (LGUs). Sila ay pina-alalahanan ni Cimatu ng kanilang tungkulin na ipatupad ang environmental laws at linisin ang mga waterways ng informal settlers na nagiging sanhi ng water pollution.
Nakasaad sa Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000 na responsibilidad ng mga LGUs ang paghihiwalay at pagtatapon ng basura ng kanilang mga nasasakupang lugar.
Hinikayat pa ni Cimatu ang mga LGUs na tukuyin ang pinagmumulan ng water pollution sa kanilang lugar at gumawa ng hakbang upang masulusyunan ito.
“Once we clean the esteros and rivers, garbage will not go out to Manila Bay. We’ll make it a point that the water that reaches Manila Bay is clean,” anang Cimatu.
“Even if it takes us one, two or three years to clean these rivers, we have to do it,” dagdag pa ni Cimatu.
Tinukoy din niya na ang Tullahan River na pinakamahabang ilog na dumadaloy sa Manila Bay, ang Vitas sa Tondo, Maynila at Pasig at Parañaque Rivers ay kabilang sa mga ilog na kinakailangang linisin.
Pina-alalahanan din ng DENR chief ang lahat ng alkalde na tiyaking sinusunod ng mga garbage collection contractors sa kanilang lugar ang mga nakasaad sa kanilang kontrata partikular na ang pagsunod sa environmental laws.
“It’s the mayors and the LGUs who have the main authority over the signing of the contract with garbage collection contractors. I hope that after signing the contracts, the LGUs check that contactors follow what is stipulated in the contract,” anang Cimatu.
Ang rehabilitasyon ng Manila Bay ay may tatlong bahagi kabilang ang cleanup, relocation ng mga illegal settlers at protection, preservation and sustainment of the gains.
“Clean up may take one to three years, but relocation will take political will,” sabi pa ng kalihim.
Ayon kay Cimatu, aabot sa 220,000 informal settlers ang nakatira sa mga esteros na dumadaloy patungong Manila Bay at tinatayang 10,000 lamang sa mga ito ang kayang i-relocate sa loob ng isang taon. ###