Umaasa si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy A. Cimatu sa mga barangay leaders na gagawin ng mga ito ang kanilang papel para Manila
Bay rehabilitation sa pamamagitan ng paglilinis ng esteros, ilog at iba pang daluyan ng tubig na dumidiretso sa Manila Bay.
“It is the barangay captains who can solve the problem of Manila Bay,” sabi ni Cimatu sa ginanap na pulong sa mga barangay executives na nakasasakop sa river system na
dumadaloy patungo sa naturang baybayin.
“The cleanup of the bay rests on them. That is how much I trust them,” dagdag pa ni Cimatu.
Dumalo sa ginanap na dayalogo ang mahigit sa 200 barangay leaders na nakasasakop sa river system ng Pasig-Marikina-San Juan; Muntinlupa-Parañaque-Las Piñas-Zapote at
Malabon-Tullahan-Tinajeros na idinaos sa Bayview Park Hotel sa Manila noong Lunes.
Bukod kay Cimatu, dumalo rin sa pulong ang iba pang opisyal ng DENR at Department of the Interior and Local Government (DILG).
Sa naturang dayalogo, ipinaalala ni Cimatu sa mga barangay officials ang kanilang tungkulin sa pagpapatupad ng environmental laws partikular na ang Ecological Solid Waste
Management Act of 2000 at ang Philippine Clean Water Act of 2004.
“It is the responsibility of the local government units and the barangay captains to implement the environmental laws correctly,” sabi pa ng dating Armed Forces chief.
Nag-alok din ng tulong si Cimatu sa mga barangay officials upang maipatupad ng mga ito ang kanilang mandato at tungkulin kabilang na dito ang isasagawang relokasyon sa
mga illegal settlers sa kahabaan ng mga esteros at ilog.
Sinabi nito sa mga opisyal na makipagtulungan sa Department of Human Settlements and Urban Development upang matiyak ang gagawing relokasyon sa mga informal settler
families (ISFs) bago pa man gibain ang bahay ng mga ito.
“We will give them a chance to self-demolish or move to an appropriate relocation site,” sabi ni Cimatu.
Aabot sa 230,000 ang ISFs na naninirahan sa Manila Bay region at 56,000 sa mga ito ang nakatira sa baybayin.
Hinimok din ni Cimatu ang mga barangay leaders na gamitin ang kanilang “political will” laban sa ISFs na babalik sa mga riverbanks at esteros kahit na nabigyan na ang mga ito
ng relokasyon. “If they file a complaint against you, isama ninyo ako,” sabi pa nito.
Nagbigay pa din ng tagubilin ang kalihim sa mga barangay officials na makibahagi sa gaganaping “simultaneous cleanup” sa mga esteros at ilog sa paligid ng Manila Bay sa darating na Marso 31. “Once and for all, we will clear the waterways of garbage,” anang Cimatu.
Dagdag pa nito: “If barangay captains can harness the power of the people to do it, then there will be a show of force to cleanup. Cleaning Manila Bay will be your most
important mission as barangay captains.” ###