Binaklas ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang natuklasang drainage pipe nanakalagay sa beachfront zone ng El Nido.

Ang naturang pipe na naglalabas ng marumi at mabahong tubig na diretso sa Bacuit Bay ay pag-aari ng Outpost Beach Hostel na matatagpuan sa Barangay Corong-Corong. Ang nasabing establisiyamento ay nakatanggap na rin ng notice of violation mula sa Environmental Management Bureau (EMB) ng DENR dahil sa direktang pagtatapon nito ng wastewater sa tubig-dagat.

Agad na ipinatanggal ni DENR Mimaropa Regional Executive Director Henry Adornadoangnatuklasang sewage pipeline na may sukat na anim na pulgadang lapad at may habang anim na metro na nakakonekta sa nabanggit na hostel.

Nilagyan na lamang ng buhangin ang pinaghukayan ng tubo habang ang dulo na pinutol ay binuksan upang makakuha ang EMB ng sampling at analysis.

Ayon kay Adornado, ang ginawang pagtatago ng hostel ng sewage line ay isang malinaw na pagwawalang-bahala sa kapaligiran at isa rin itong paglabag sa Water Code of the Philippines sa ilalim ng Presidential Decree 1067 at Republic Act 9275 o mas kilala sa tawag na Philippine Clean Water Act of 2004.

“We have no choice but to prevent them from further degrading nature. They are putting the lives of tourists and residents in danger as they continue to pollute Bacuit Bay,” sabi pa nito.

Inamin naman ng isa sa may-ari ng Outpost Beach Hostel na nakilalang si Paul Sepulveda na kanila ang naturang tubo.

Sa pamamagitan ng paggamit ng radar ay natuklasan ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng DENR ang mga nakatagong waste pipelines kung saan ay sinimulan ang operasyon noong Marso 18 sa paligid ng El Nido.

“You cannot hide them (pipes) forever. We will eventually uncover them so we advise you to remove your illegal sewage lines and comply with the laws for your own good,” sabi pa ni MGB Regional Director Roland de Jesus kasabay ng pagbibigay nito ng payo sa mga establisiyamento sumunod sa batas upang hindi matulad sa Outpost Beach Hostel na nahinto ang operasyon.

Samantala, pinaalalahanan naman ni EMB Regional Director Michael Drake Matias ang mga residente at mga negosyante na ang Bacuit Bay ay isang Water Quality Management Area kaya’t kinakailangan ang kanilang kooperasyon upang mamantine ang kalidad ng tubig nito.

 

“We shall be conducting regular water sampling and analysis not only to Outpost Beach Hostel but also to other establishments to ensure that they do not discharge untreated wastewater into Bacuit Bay,” sabi pa ni Matias.

Bukod sa nabanggit na hostel ay patuloy naming nagsasagawa ng imbestigasyon ang EMB upang matukoy kung may iba pang nagtatapon sa dagat ng kanilang wastewater.

Simula nang umpisahan ng DENR noong isang taon ang pagsasaayos ng Palawan na itinuturing na beach at diving destinations ay nagging agresibo narin ang central at Mimaropa offices sa pagpapatupad ng batas upang mapanatiling malinis ang tubig sa Bacuit Bay. ###