Hiniling ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy A. Cimatu sa publiko na panatalihin ang pagiging mapagmatyag laban sa wildlife crime upang matulungan ang gobyerno sa pagsugpo ng illegal wildlife trade na nagiging dahilan ng pagkaubos ng mga endangered species.
“If you know any illegal wildlife trade, we enjoin you to work hand in glove with us in curtailing this nefarious trade by informing us so we can act decisively and fast against these illegal traders,” sabi ni Cimatu.
Ang panawagan na ito ng kalihim ay kasabay ng kanyang pangunguna sa pagdiriwang ng Earth Day naginanapsaNinoy Aquino Parks and Wildlife Center sa Quezon City noong Abril 24 na may temang “Protect Our Species: Ikaw, Ako, Tayo ang Kalikasan” na naglalayong mabigyan ng proteksiyon ang endangered wildlife.
Ayon kay Cimatu, napapanahon ang temang ito matapos palakasin ng DENR sa pamamagitan ng Philippine Operations Group of Ivory and Illegal Wildlife Trade o mas kilala sa tawag na Task Force POGI ang kanilang kampanya laban sa mga illegal wildlife traders katulong ang iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno.
Kamakailan lamang nang magsagawa ng operasyon ang Task Force POGI kasama ang mga tauhan ng Biodiversity Management Bureau (BMB), National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) sa Mati City, Davao Oriental na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 450 piraso ng iba’t-ibang klase ng ibon, mammals at reptiles na nagkakahalaga ng P50 million.
Kabilang sa mga wildlife species ang endangered black palm cockatoos at echidna na sinasabing galling sa Indonesia.
Nakumpiska din ng Bureau of Customs (BOC) ang mahigit sa 700 buhay at makamandag na mga tarantula na nagkakahalaga ng P310,000 sa Ninoy Aquino International Airport na nagging dahilan sa pagkakaaresto sa dalawang katao kabilang na ang nakapangalan sa tatanggap ng kargamentong laman ang mga tarantula galling sa Poland.
Nitong Marso naman nang maaaresto ng mga tauhan ng NBI sa Binondo, Manila ang isang negosyante dahil sa pagtatago nito sa kanyang drugstore ng bird’s nest at pinatuyong mga seahorse. Aabot sa 30 containers ng edible bird’s nest na may halagang P575,000 ang nakumpiska.
Diumano, nanggaling sa Palawan at bansang Thailand ang bird’s nest na nagmula sa pinatigas na laway ng mga balinsasayaw (Collocaliini). Ang hibla ng pinatigas na laway ay kinokolekta upang gawing pangunahing sangkap sa isang putahe ng mamahaling sabaw.
Sa hiwalay na operasyon sa parehas na lugar, nakumpiska ng Task Force POGI ang20 golden chicken fern (Cibotiumbarometz) na tinatayang aabot sa halagang P40,000.
Ang golden chicken fern ay nagmula sa Sierra Madre at kabilang sa Appendix II ng Convention on International Trade in Endangered Species (CITES) na nangangahulungan na ang naturang halaman ay hindi maaaring iluwas sa ibang bansa, ingatan at ibenta ng walang kaukulang mga wildlife permit.
Ang mga naarestong suspek sa apat na magkakahiwalay na operasyon ay kinasuhan ng paglabag sa Republic Act 9147 o mas kilala sa tawag na Wildlife Resources and Protection Act. Base sa batas, mahigpit na ipinagbabawal ang “unlawful trading, possession at transport ng wildlife species at anumang produkto na nagmumula dito, ang sinumang mahuhuling lumalabag ay mapapatawan ng parusang dalawang taong pagkabilanggo at multang hindi hihigit sa P200,000.
Ayon kay Cimatu, walang sasantuhin ang kanilang kampanya laban sa illegal wildlife trade. “We will never let our guard down against animal poachers and traffickers. We will never allow our beloved country to be a transhipment point for this unlawful activity,” pagdidiin pa nito.
Bukod sa pagsugpo sa illegal wildlife trade, aktibo rin ang DENR sa kampanya upang matiyak na mayroong maayos na matitirhan ang mga wildlife species sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga ito ng masiglang kapaligiran, pangunahanang panawagan para mapigilan ang polusyon dulot ng plastic, at mapalakas ang koordinasyon ng pandaigdigang panuntunan para sa pangangasiwa ng mga coral reef.
Ang pagbabanhay ng mga resolusyon sa usaping ito ay inisponsoran ng delegasyon ng Pilipinas para sa pang-apat na pagpupulong ng United Nations Environment Assembly (UNEA-4) na ginanap sa United Nations Headquarters sa Nairobi, Kenya noong nakalipas na Marso.
Ayon kay Cimatu, inaasahan na ang pagkakaroon ng higit na pagsisikap sa buong mundo ang magiging dahilan upang mabawasan ang paggamit ng plastic, at madagdagan din ang mga alituntunin para mas malakasang pagbibigay ng proteksiyon sa kalikasan.
“Let’s love and care for our environment and our wildlife species because this is our noble and great legacy to our children and their children,” dagdag pa ni Cimatu matapos sabihin na ang pagsisikap ng buong mundo na maprotektahan ang wildlife ay mahalaga para sa susunod na salinlahi. ###