Makikipagtulungan sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Philippine-based Catholic movement na Couples for Christ (CFC) sa inisyatibong
pagtatanim ng isang milyong puno alinsunod sa Expanded National Greening Program (ENGP) ng gobyerno.

Ayon kay DENR Secretary Roy A. Cimatu, mahalaga ang pakikipagtulungan ng iba’t-ibang non-government organizations tulad ng CFC sa pagkamit sa mga layunin ng
ENGP.

“We are glad that an organization such as the CFC, a church-based organization, is helping us in our goal to protect the environment by taking part in the ENGP,” sa pa ni
Cimatu.

Ang DENR-CFC partnership ay naging pormal matapos ang paglagda sa memorandum ng agreement ni Cimatu at ni CFC President Michael Ariola. Pumirma din sa
kasunduan bilang mga saksi sina DENR Undersecretary for Policy, Planning and International Affairs Jonas Leones at CFV social development programs head Mon de Leon.
Ang CFC ay isang “global lay organization” na layuning palakasin ang Christian family life”. Nagsimula ang organisasyong ito sa bansa noong 1981 at kinilala ng Catholic
Bishops Conference of the Philippines (CBCP) noong 1996.

Nakasaad sa MOA na tungkulin ng CFC na magbigay ng kontribusyon para sa national reforestation sa pamamagitan ng pagtatanim at pangangalaga ng isang milyong
“forest tree seedlings” mula 2019 hanggang 2021.

Tungkulin naman ng DENR na magbigay ng technical assistance sa CFC sa pamamagitan ng pagtukoy sa “forestlands” kung saan itatanim ang mga seedlings.
Magsasagawa din ang kagawaran ng survey, planning at mapping upang malaman kung anong uri ng puno ang itatanim sa isang lugar.

Ang bawat partido ay magtatalaga ng “focal person” na magtutuwang sa mga aktibidad at pakikipag-usap sa mga respresentante ng mga organisasyon na mangangalaga sa
mga itatanim na puno sa matutukoy na lugar.

Ang ENGP ay continuation ng National Greening Program at nilagdaan bilang Executive Order 193 noong 2015. Saklaw nito ang mga tinatawag na “unproductive, denuded
at degraded” forestlands mula sa taong 2016 hanggang 2028.

Layunin ng “flagship reforestation program” ng gobyenro na maiangat ang kabuhayan ng mamamayan, magkaroon ng seguridad sa pagkain, mapagaan ang problema sa climate
change at ang pagkakaroon ng konserbasyon sa biodiversity. ###