Nakakita ng pag-asa si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy A. Cimatu na muling mabubuhay ang Manila Bay matapos matuklasan ang mga buhay na coral sa ilalim ng tubig ng naturang baybayin.
Ayon kay Cimatu na namumuno sa inter-agency Manila Bay Task Force, base sa nagging resulta ng pag-aaral, natuklasang may mga coral reefs sa maraming bahagi ng Manila Bay kaya’t higit pang pursigido ang gobyerno para sa rehabilitasyon nito.
“With the vibrant underwater life still teeming in several areas in Manila Bay, there is hope that we can still revive it to what it used to be,” anang Cimatu.
Kamakailan ay nagsagawa ng inbentaryo ang Ecosystems Research and Development Bureau (ERDB) ng DENR at natuklasan na buhay ang coral ecosystems sa Manila Bay kahit na matindiang environmental at human pressures dito.
Ayon kay ERDB supervising science research specialist Jose Isidro Michael Padin, karamihan sa mga nadiskubreng corals ay matatagpuan sa Corregidor at Caballo Islands sa probinsiya ng Cavite.
“Nearly 72% of the estimated reef area is found in Cavite. The reef sites in Maragondon and few stations in Corregidor and Caballo Islands had fair to good live coral cover,” sabi pa niPadin.
Aniya, ang mga coral na ito ay patuloy na naaapektuhan ng “sedimentation”, “nutrient contamination”, pagbaba ng kalidad ng tubig at pangingisda.
Base sa coastal resource map ng National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA), ang coral cover ng Manila Bay ay umaabotsa293.68 hectares, hindi pa kasama ditto ang lugar ng Mariveles, Bataan.
Sinabi naman ni ERDB Director Sofio Quintana, ang kanilang tanggapan ay nagsasagawa ng “ridge-to-reef” research sa Manila Bay.
“We are seeking for a definite connection among risk factors. Right now, we are trying to gather more data on informal settler families, air and water quality, and habitat to make scientific studies relevant for future projects,” sabi pa nito.
Idinagdag pa ni Quintana, ang ERDB ay patuloy na gumagawa ng “unified framework” para sa naturang proyekto upang maging madaliang ginagawang pag-aaral sa kalagayan ng Manila Bay area.
“We also want to provide reference in the decision process of the policymaking bodies with the data backed-up by research. If there are existing policies, maybe we could harmonize and align researches to these policies,” sabi pa ERDB director. ###