Calamba City, Laguna – Sa direktibang ibinigay ni DENR Secretary Roy A. Cimatu noong August 10 sa kanyang pagbisita sa Upper Marikina River Basin Protected Landscape (UMRBPL), inatasan nya si Environmental Law Enforcement and Protection Service (ELEPS) Director Reuel Sorilla at DENR CALABARZON Regional Executive Director Nilo B. Tamoria na agarang umpisahan na ang Enforcement Training para sa magiging Deputized Environment and Natural Resources Officers (DENROs). Ang ahensya ay mag dedeputize ng dagdag na DENROs upang maging opisyal na katuwang ng kagawaran sa pagpapatupad ng mga batas sa loob ng pinangangalagaang pook (Protected Area).

“Hindi ko pinapayagan ang anumang illegal na gawain lalo dito sa loob ng Protected Area. We will deal with them one by one”, ito ang naturan ng Kalihim kaharap ang mga kawani at civil society organizations. Naitala na noong 2014 ay mayroong 1,346 na households ng tenured migrants sa loob ng UMRBPL samantalang 2,066 naman ang non-tenured migrants. Ang mga tenured migrants ay mga naninirahan sa loob ng pinangangalagaang pook limang (5) taon bago ito naitatag bilang pinangangalagaang pook. Kalimitan ang hanapbuhay nila ay nakadepende sa likas na yaman na matatagpuan doon.R4A Photo PR Pagpapaigting ng forest protection binigyang diin sa UMRBPL 08 20 2021b1

Binigyang diin din sa pagbisita ng Kalihim ang pakikipag ugnayan sa 80th Infantry Battalion, Philippine Army, at PNP-SAF para sa pagpapalakas ng military force sa loob ng UMRBPL. Patuloy naman ang pakikipag ugnayan ng ahensya sa NBI para sa posibleng pag aresto at pagsampa ng kaso sa mga lumalabag sa batas pangkalikasan sa loob ng Protected Area. Patuloy din ang pagsulong ng Environmental Protection and Enforcement Bureau (EPEB) Bill upang ito ay maisabatas na. Hinihikayat ng DENR CALABARZON ang publiko na makiisa sa laban para sa ating kapaligiran. Para sa may mga sumbong ukol sa ilegal na gawain na may kaugnayan sa kalikasan ay maaaring tumawag o magbigay ng mensahe sa 8888 hotline numero 09561825774/ 09198744369 at Trunkline No. (049) 540-DENR (3367) / (049) 554-9840 – 48 local – 121. Ang mga litrato, bidyo, at iba pang impormasyon ay maaari ring ipadala sa opisyal na Facebook page ng DENR CALABARZON: https://www.facebook.com/DENR4AOfficial/. ###